Wednesday, October 10, 2007

Eklavu!

“Chorva ek ek…” ilan lamang ito sa kadalasang naririnig natinsa bawat bading na makakasalubong natin, mga salitang may katumbas na kahulugan sa ating tunay na wika.

Kung ating pag-mamasdan, sa pag lipas ng panahon ay unti-unti na rin itong nagiging salita hindi lamang para sa mga bakla, kundi maging ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino. Kung dati’y naririnig lamang natin ito sa mga sulok ng mga tindahan o kaya sa mga grupo lamang ng mga bading na nag-uusap ba wari’y nagbibigay-kahulugan sa anumang mapapansin nila, ngayon ay hindi natin matatangging hayagan na itong ginagamit ng sinumang Pilipino kahit saan mang sulok ng Pilipinas. Ano nga ba ang dahilan at patuloy na lumalaganap ang mga salitang ito? Tama lang ba na pag-aralan at palaguin ang ganitong mga pananalita o dapat bang umpisahan nang alisin ang mga ito?

Tunay ngang nakakagiliw ang mga salitang bading at hindi natin maipag kakait na tayo’y nasisiyahan kapag napapakinggan ang mga salitang ito habang binibigkas ng mga bakla sa kanto, subalit hindi maitatagong marami pa din ang ayaw sa mga ganitong uri ng pananalita. Para sa kanila, mahirap, nakakainis at hindi naaayon ang mga jargon na ito.

Marahil ay totoo nga na hindi naaayon ang mga ito sa tumpak na nais nating ipakahulugan sa ilan nating pananalita subalit kung ating iisipin, ito’y isang paraan na rin ng pag papalago ng ating wika at patuloy na pag papalawak ng wikang Filipino. Maaaring naiiba ito sa ibang salita subalit tulad nga ng ibang salita, nabuo ito dahil na rin sa mga imbentong salita na ginagamit ng maraming tao at dumomina sa maraming lugar. Malay natin pag dating ng araw ang mga salitang ito ay maging komon na sa ating lahat at makaimpluwensya pa sa ibang wika.

Hindi naman nating sinasabi sa lahat ng oras ay maaari nating gamitin ang salitang ito, dapat nating isa-isip kung saan naaayon ang pag-gamit nito. Ganun pa man, nais lamang nating ipa-alam na ang mga salitang ito ay may malaking naitutulong sa patuloy na pag-lago ng ating wika at walang makapag sasabi kung ano ang maaaring kahantungan ng pag-gamit at pag sasalita ng mga jargon na ito. Sa ngayon, ang mahalaga ay nasisiyahan tayo sa salitang ito at kahit papaano’y may mabuting naidudulot ito sa ating lahat at sa ating wika.

Varayti ng wika

Chuva,jologs,chenes- ilan lamang iyan sa mga salita na naimbento ng mga bakla o bading na madalas nating marinig na ginagamit ng marami. Hindi lamang ito basta mga salita na walang kahulugan. Ang mga salitang ito ay ginagamit din sa pagpapahayag ng damdamit at pantukoy sa mga bagay. Nakakatuwang isipin na ang mga bakla ay nakakalikha ng mga bagong salita. Masasabi natin na sila ay napaka malikhain. Dahil dito, hindi lamang sila ang gumagamit ng mga salitang kanilang inimbento dahil maging tayo ay nagiging pamilyarsa mga ito o natutuhan natin kung paano ito gamitin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila. Nagiging parte na din ito ng ating bukabularyo dahil sa dalas ng pag-gamit nito.

Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino ay isa sa mga tinatawag na sosyolek. Ang sosyolek ay ang sosyal na varayiti ng wika. Ito ay tumutukoy sa mga register o jargon na nabubuo. Ngunit, ang iba’t –ibang varyasyon ng wika ay nag bunga din ng mga problema. Bilang isang sosyolek, ang wikang pang-bakla ay naka apekto din. Maraming tao rin ang maliit ang tingin sa mga taong gumagamit nito. Iniisip nila na sila ay “cheap” ang iba ay sinasabing sila ay maaarte. Diskriminasyon ang inaabot ng mga bakla at mga taonggumagamit ng wika na ito. Pangalawa ay ang hindi pag kakaunawaan sa pagitan ng mga bakla o ang mga gumagamit ng wikang ito at sa mga hindi nakakaalam nito. Habang tumatagal parami ng parami ang nadaragdag na mga jargon kaya ang mga posibilidad ay maaaring marami ang hindi maka intindi nito o kaya ay iba ang kanilang magiging interpretasyon sa salitang kanilang ginagamit. Ito ay nagiging hadlang sa komunikasyon dahil ang mga taong nag uusap ay hindi nagkakaintindihan.

Sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang sosyolek o varayiti ay hindi nakatutulong sa pag-unlad n gating wika. Bukod sa paggamit nito ay impormal, unti-unti na rin nkakalimutan ng mga Pilipino ang wastong paraan ng pag gamit ng ating wika. Hindi naman masamang gumamit ng mga sosyolek kagaya ng sa mga bakla, ngunit kailangan nating tandaan ang tamang pag gamit ng ating wika.

Isang paanyaya lamang po

Pilipinas, dati-rati’y kilala sa buong mindo bilang isa sa pinaka mahusay magsalita ng ingles, isang bansang tinitingala at hinahangaan ng lahat sa larangan ng pakikipagtalastasan at galling nito sa pakikipagsabayan sa mga banyagang bansa sa pag sasalita ng wikang Ingles. Kung ating titignan, mukha atang kabaligtaran na ang nangayayari sa atin ngayon. Totoo ngang napakalayo na ng bansang Pilipinas sa nakilala natin noon.

Kay lungkot isipin na unti-unti ng humihina ang mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles at hindi maitatangging nauunahan na tayo ng ibang bansa sa galling sa pagsasalita ng wikang ito. Isang bagay na naging tatak na nating mga Pilipino at lubusang nagpakilala sa ating mga pinoy.

Tuluyan na nga bang humihina ang kaalaman nating mga Pilipino patungkol sa wikang ito? Pumupurol na nga ba ang utak ni Juan dela Cruz? Ibabaon na lamang ba natin sa limo tang mga alaalang minsa’y nakilala tayo at hinangaan ng ibang bansa sa larangan ng pagsasalita ng wikang Ingles? Hahayaan na lamang ba nating mawala ang bagay na ito na siyang nag pa angat sa ating lahi?

Hindi ko naman sinasabi na talikuran na ang salitang kinamulatan mula sa pag ka bata, na tangkiliklin na ang ibang wika o ipalit ang wikang Ingles bilang pang araw-araw nating wika. Kung sa bagay, tayo’y mga Pilipinong may sariling wika, isang lahing binigkis ng wikang Filipino tungo sa kung anong meron tayo ngayon. Ang ibang bansa nga umunlad gamit ang sariling wika hindi ba?

Subalit ito’y isang paalala lamang na kahit papaano’y nakilala tayo sa wikang ito bagaman kaya nating makilala ng lahat gamit ang sariling wika at malaki ang maitutulong nito sa bansa kung ang mga mamamayan ay marunong magsalita ng Ingles at kayang makipagsabayan sa ibang lahi lalo na ngayong nasa panahon tayo ng globalisasyon.


Hindi naman masamang gamitin ang wikang Ingles, kung tutuusin nga, kalamangan natin ito hindi ba? Ibalik natin ang “tatak” nating mga pinoy sa pagsasalita nito at muling makilala ng lahat ng bansa sa galling natin sa wikang Ingles, basta’t huwag lamang nating kalimutan ang wikang kinagisnan….. pagyamanin, paunlarin, bigyang importansya at lagging isapuso ang wikang Filipino bago ang ibang wika…

Wika: Tayong mga Pilipino at ang ating wika..

Araw-araw kung sinu-sino an gating nakakasalamuha, araw-awaw iba’t ibang boses at wika an gating naririnig. Minsan kahit papunta ng eskwela nakaka dinig ako ng mga dayuhang nag uusap, minsan nakaka tuwa dahil kahit iba ang kanilang ginagamit na wika ay kaya pa din nila ipahayag ang kanilang nadadarama kahit nga tignan mo sila at mapatawa ka sila ay mag papatuloy pa din, siguro talagang “proud” sila sa wika nila, ang mga Pilipino kaya sa ibang bansa ganoon din kaya ang ginagawa nila?

Kapag ang mga dayuhan ay nag pupunta sa ating bansa kadalasan tayo pa ang nag aaral kung paano sila kausapin, hindi ba dapat matuto silang makibagay? Nasa Pilipinas tayo dapat Filipino ang gamit nila. Pero hindi ganoon, para sakin napaka laking deskriminasyon iyon tayo pa ang nakikibagay para lamang maintindihan nila tayo, kahit na mag dugo na ang ilong natin sa sobrang bilis nila mag salita ng Ingles sige pa din tayo. Ganyan ang Pinoy! “Hospitable” nga.

Kahit saang dako ng bansa marami na tayong makikitang turista at kay lungkot isipin na iilan lamang sa kanila ang talagang nag aaral n gating wika…. Haaayy… ganyan ba talaga tayong mga Pinoy? Hinahayaan natin na maimpluwensyahan nila tayo.. paano na lang an gating kinabukasan? Baka bukas makalawa ang wikang “Filipino” ay parte na lamang n gating kasay-sayan.

Kahit alam natin na sa panahon ngayon ng globalisasyon kaya pa din natin maipag malaki an gating wika dahil ito ay sariling atin at siguro nga bukod sa mga magagandang tanawin ng ating bansa ito na lang ang kaya natin ipamana at ipag-malaki sa darating pang mga henerasyon.

Tayo ay mga Pinoy, tayo’y may sariling wika, ipag malaki natin ito